News
LOOK: Pinoy celebrities na iniwan ang showbiz para sa buhay-abroad

Sa kabila ng ningning ng kanilang showbiz career sa Pilipinas, marami na rin sa pinoy celebrities ang piniling iwan ang kanilang kasikatan upang magsimula ng bagong buhay abroad.
Karamihan naman sa kanila ay mas nagtagumpay pa sa kanilang bagong propesyon at mas malayang nakakabuo ng kanilang sariling pamilya.
Mayroon ding masusuwerte na sinusuportahan pa rin ng kanilang mga tagahanga kahit pa hindi na sila aktibo sa show business.
Bagamat iba't iba ang dahilan ng kanilang pag-alis sa showbiz, iisa lang din ang pangarap ng mga celebrity na ito - ito ay ang mas matulungan ang kanilang pamilya.
Kilalanin ang mga artistang minsan na ring minahal ng maraming Pilipino at ngayon ay may bago ng buhay sa ibang bansa.



















































