LOOK: Prince Carlos at Matet de Leon, magbabalik sa 'Daddy's Gurl'

More reasons to laugh and be excited sa all-new episode ng hit sitcom na 'Daddy's Gurl' this weekend.
Una, magbabalik ang cager-actor na si Prince Carlos sa comedy show. Maalala natin na noong 2022, kinailangan umalis ng newly-signed Sparkle talent sa show, para mag-concentrate sa basketball career niya sa College of Saint Benilde.
Mas matindi rin ang kulitan with the Otogan family, dahil mapapanood din ang versatile actress na si Matet de Leon.
Heto ang pasilip sa mga aabangan na moments sa 'Daddy's Gurl' sa Sabado Star Power sa gabi (March 18), matapos ang #MPK.





