LOOK: Sha-sha from 'Super Twins' is all grown up!

Naaalala n'yo ba si Nicole Dulalia, ang former child star na gumanap sa karakter ni Sha-sha sa 'Super Twins?'
Tumatak ang role ni Nicole bilang Sha-sha, o batang Jennylyn Mercado, dahil sa kanilang cute chant ni Ella Cruz, na gumanap bilang Tin-tin o batang Nadine Samonte, kapag magta-transform na sila bilang 'Super Twins.'
Nakapanayam ng GMANetwork.com si Nicole noong August 2019 at base rito, hindi naman niya tuluyang iniwan ang showbiz dahil nag-lie low lang siya sa pag-arte para matutukan ang kanyang pag-aaral. Taong 2018 siya nagtapos ng kolehiyo sa kursong Communication sa UST Angelicum College.
Katwiran niya, "Hindi forever ang buhay showbiz pero at least po ang titulo ko na nakatapos ako ng pag-aaral ay forever."
Mailap man ang TV projects sa kanya, aktibo naman si Nicole sa social media. Married at may isang anak na rin ang aktres, na isa ring businesswoman.
Kumustahin si Nicole sa gallery na ito:




















