LOOK: The Rizal mansion of 'Eat Bulaga' host Paolo Ballesteros

Isa sa prized possessions ng Eat Bulaga! host na si Paolo Ballesteros ang kaniyang dream home sa Antipolo. Sinimulan ipagawa ni Paolo ang kaniyang modern minimalist house sa isang subdivision sa Antipolo noong 2016. Natapos ito ng December 2017 at dito na sinalubong ni Paolo ang 2018.
Isa sa mga nagustuhan ni Paolo sa kaniyang dream home ay ang relaxing atmosphere rito at ang overlooking view nito ng Antipolo.
Mapapansin din na very contemporary ang style ng bahay ni Paolo. Isa sa mga detalye ng kaniyang bahay ay ang cast-in-place-concrete fence, timber gate, at ang kaniyang simpleng tongue plants sa hilera ng gate.
Tingnan ang magandang tahanan ni Paolo Ballesteros.










































