LOOK: Unboxing time with Barak Otogan!

Sasabak ulit ang Team Condo at Team Opis sa isang game hosted by the handsome gameshow master na si Tatang Barak (Vic Sotto).
And this time, manghuhula ang opposite team kung ano ang laman ng mystery box ni Barak.
Mas umangat kaya ang Team Opis ni Stacy (Maine Mendoza) o ang bruha na sister-in-law ni Barak na si Matilda at kanyang Team Condo ang mananalo?
Tingnan ang ilan sa mga aabangan na eksena sa Daddy's Gurl sa darating na Sabado ng gabi, June 5, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).





