LOOK: Winwyn Marquez's daughter baby Luna's adorable photos

Isa sa mga kinagigiliwan na celebrity babies ngayon ay ang anak ni Kapuso actress at beauty queen Winwyn Marquez na si Luna Teresita Rayn o mas kilala bilang si Baby Luna.
May 1 nang inanunsiyo ni Winwyn ang kaniyang pagsilang kay Baby Luna at mula nang i-post ng aktres ang larawan ng kaniyang anak online ay naging instant celebrity na rin ito.
Tila hirap si Winwyn na iwan ang kaniyang anak para magtrabaho at ito ay makikita sa mga posts niya sa Instagram.
Kamakailan lang ay nagbahagi ang aktres ng larawan ni Baby Luna kung saan makikita ang napaka-cute nitong ngiti!
“Paano mo naman maiiwan 'yung ganyan?! haay.. at ganun pala talaga noh? Wala na ako photos of myself sa phone ko puro na si Luna at si Luna kasama dada niya.. taga picture nalang talaga ata pag ikaw ang mama,” caption niya sa kaniyang post.
Silipin ang ilan sa mga cute na cute na photos ni Baby Luna sa gallery na ito.























