Louise Delos Reyes at Bea Binene, nagsisi ba noong umalis sa GMA?

GMA Logo louise delos reyes and bea binene in fast talk with boy abunda

Photo Inside Page


Photos

louise delos reyes and bea binene in fast talk with boy abunda



Muling nakatungtong ng GMA ang 'Tween Hearts' stars noon na sina Louise Delos Reyes at Bea Binene para mag-guest sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong Martes, October 1, matapos lisanin ang network ilang taon na ang nakalilipas.

Walong taon na ang nakakaraan nang umalis si Louise sa GMA. Napabalita namang hindi na-renew ang kontrata ni Bea sa network noong 2021.

Nagsisi ba ang dalawa sa kanilang desisyong lisanin ang network?

Sagot ni Bea, "Regret no. Ako, I'm just grateful and blessed to GMA because I have been here for 18 years. They have taught me a lot, I've experienced so much, I met so many people who shaped who I am today. Siguro, syempre, tayo we always want to explore and widen our reach and opportunities ganyan but now I'm freelance, I'm handled by Viva...and I'm still very grateful. It's really nice to see everyone here kasi naging tita, ate, kuya ko na po sila."

Pag-amin ni Bea, na-miss niya ang GMA na naging comfort zone niya ng maraming taon.

Dagdag niya, "Siguro not regret, it's just that I feel like I stepped out of my comfort zone kasi when I transfered, and sometimes it's nice na to have a sense of familiarity. Sometimes you tend to get overwhelmed with that very unfamiliar world outside and sometimes you just miss being here. I miss the company here because my friends are here and, again, this was like my comfort zone, this was like my home."

Kahit lumipat na ng management, hindi pa rin nawawala ang utang na loob ni Bea sa GMA kung saan siya nagsimula bilang child star

"But I'm always very grateful and also very grateful to Viva because, you know, the opportunities are still there kahit nasaan naman po ako, kahit saan ako dalhin, lagi ko po sinasabi na I may not be managed by GMA now, but I'm very grateful for GMA."

Para kay Louise naman, hindi mawawala ang pagsisisi, bagay na naging aral sa kanya para mas makilala niya ang kanyang sarili.

Aniya, "Meron akong regrets pero yung mga regrets kasi na yon parang naging okay na ko do'n kasi kung 'di dahil sa mga ginawa ko before, hindi ako magiging si Louise ngayon. Lahat ng pagkakamali ko no'n, lahat ng wins ko no'ng time na yon, eto ko. And siguro kung 'di ko yon ginawa, 'di ko makikilala yung mga tao na kasama ko ngayon."

Gaya ni Bea, malaki rin ang utang na loob ni Louise sa GMA na home network niya ng maraming taon.

Sabi pa ni Louise, "I will not have this knowledge and this heart for people now, and wala, parang grateful lang din ako with GMA kasi sila lang talaga yung nagbigay sa 'kin ng opportunity and iba yung tibok ng puso ko kapag sinasabing GMA at kapag nakikilala ako from GMA. Iba din yung saya."

Balikan sa gallery na ito ang mga naging proyekto nina Bea at Louise sa GMA at alamin ang kanilang pinagkakaabalahan matapos umalis sa network.


Bea Binene
Louise Delos Reyes
Jake Vargas
Alden Richards
Tween Hearts
Culinary
Pastry chef

Around GMA

Around GMA

PNP: Over 270K cops, non-uniformed personnel to get P20k incentive on Dec. 19
Disasters afflict 720,000 students, teachers in Cebu in 2025
Oscars to begin streaming on YouTube in 2029