'Love At First Read' cast, stunners sa GMA Gala 2023

Bago ang exciting finale week ng Love At First Read, rumampa muna sa GMA Gala 2023 ang cast ng series suot ang kanilang elegant formal outfits.
Ang lead stars nito na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, sabay na naglakad sa red carpet kung saan agaw-pansin ang kanilang matching looks.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa ilan sa cast ng series sa naturang event, nagpasalamat sila sa lahat ng sumubaybay at sumuporta sa kanilang programa simula sa pilot week hanggang sa nalalapit na finale nito.
“Gustong-gusto po naming pasalamatan lahat ng sumuporta sa Luv Is: Love At First Read. Sana po patuloy n'yo kaming suportahan hanggang sa dulo,” ani Kiel Gueco.
Ang Love At First Read ay ang second installment sa Luv Is series na collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios.
Silipin ang stunning outfits ng Love At First Read cast sa GMA Gala 2023 sa gallery na ito:











