'Love At First Read' stars, excited na sa pagsisimula ng kanilang series ngayong June 12

Masaya at full of energy na humarap sa press ang cast ng bagong kilig series ng GMA na Love At First Read na pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa isinagawang media conference ng programa nitong Huwebes, June 8.
Bukod sa kilig na hatid nina Mavy at Kyline sa naturang event, good vibes din ang dala ng iba pang cast at Sparkle stars na sina Therese Malvar, Josh Ford, Bruce Roeland, Mariel Pamintuan, Larkin Castor, Marco Masa, at Gueco twins na sina Vito at Kiel Gueco.
Kabilang din sa mga dumalo sa media conference ang seasoned actors na sina Jackie Lou Blanco, Jestoni Alarcon, at Maricar De Mesa.
Ayon sa cast, excited na silang mapanood ng mga Kapuso ang nasabing series dahil hindi lamang ito magpapakilig kung 'di magbibigay din ng aral sa buhay partikular na sa pamilya at pagkakaibigan.
Mapapanood ang Love At First Read, simula sa Lunes, June 12, 5:40 P.M. bago ang 24 Oras.
Silipin naman ang mga naging kaganapan sa kilig media conference ng Love At First Read sa gallery na ito:
























