'Love of My Life's' Giddy: Where is he now?

Naaalala n'yo pa ang cute na cute na si Gideon mula sa hit GMA Telebabad series na 'Love of My Life?'
Si Gideon ay ang love child ng ex-lovers na sina Kelly and Stefano, na ginampanan nina Rhian Ramos at Tom Rodriguez sa serye.
Ang child star na si Ethan Hariot ang gumanap bilang Gideon, o mas kilala sa pangalang Giddy sa 'Love of My Life,' na kinagiliwan ng marami dahil sa kanyang charm.
Sa huling bahagi ng 'Love of My Life' ay hindi na napanood si Ethan at ang kapwa niya child star na si Raphael Landicho dahil hindi sila nakasama sa mga sumunod na taping ng programa. Ito ay bunsod ng pagpapatupad ng mahigpit na COVID-19 guidelines para sa minors. Si Raphael ay gumanap na Andrei, na anak ni Carla Abellana sa serye. Si Raphael ay nakatakdang gumanap bilang Little John Armstrong sa live-action adaptation na 'Voltes V: Legacy.'
Sa ngayon, wala pang nakapilang proyekto para kay Ethan sa telebisyon. Gayunpaman, patuloy ang pagbibigay niya ng updates sa kanyang fans sa kanyang social media accounts at YouTube channel, na hina-handle ng kanyang mommy.
Kamustahin si Ethan o "Giddy" sa gallery na ito:









