Lumang kwintas, nakakapag-transform ng anyo sa 'Regal Studio Presents: Finally Found You'

Kuwento tungkol sa love at memories ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Finally Found You," iikot ito sa isang mahiwagang kuwintas na nakakapag-transform ng anyo.
Nagtatrabaho sa isang antique shop si Deb. Isusukat niya ng isang lumang kwintas at biglang makukuha ang anyo ni Sally.
Si Sally ang long lost love ni Limuel kaya nang matanaw niya ang mukha nito mula sa antique shop, agad niyang pupuntahan ito.
Bakit kaya pinagbuklod ng magic necklace na ito sina Deb, Sally, at Limuel?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Finally Found You," August 24, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






