Maaksiyong tapatan at mga pinakatatagong lihim, dapat abangan sa bagong yugto ng 'The Write One'

Magsisimula na ang laban para sa pag-ibig sa mas maaksiyon at mas intense na bagong yugto ng Asian thriller romance drama na 'The Write One.'
Sa pagpipilit ni Liam (Ruru Madrid) na itama ang love story nila ni Joyce (Bianca Umali), lalo pa itong magbubukas ng mas malalaking problema.
Paano ito makakaapekto sa mga taong nakapalibot sa kanila?
Bukod diyan, may mga bago at bigating guest stars ding dapat abangan na mas magbibigay ng kulay sa serye.
Narito ang isang exclusive sneak peek sa mga dapat abangan sa mas maaksiyon at mas intense na bagong yugto ng 'The Write One.'






