Mag-asawa, apat sa limang anak ang may 'special needs' sa 'Magpakailanman'

Malaking hamon ang haharapin ng isang pamilya sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "My Special Family," kuwento ito ng pamilya na maraming "special needs" o 'yung may medical, mental, o psychological conditions na kailangan ng angkop na tulong.
Simpleng mga mangingisda sina Franklin at Lorie at nabiyayaan sila ng limang anak.
Apat dito ang may special needs kabilang ang schizophrenia, epilepsy, learning disability, at developmental disorder.
Paano nila haharapin ang hamon na dala ng iba't ibang kundisyon ng mga anak?
Abangan ang brand-new episode na "My Special Family," January 24, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






