Mag-ina, mag-best friend din sa 'Regal Studio Presents: Mama's Joy'

Isang mother-daughter relationship ang masusubukan sa bagong episode ng Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Mama's Joy," tila mag-best friend ang turingan ng mag-inang Charlotte at Joy.
Maituturing na ideal ang kanilang relationship dahil pareho silang open at honest sa isa't isa. Blessing ang kanilang open communication para kay Charlotte na isang single parent, at maging kay Joy na maraming plano para sa kanyang sarili.
Pero magkakaroon ng strain ang kanilang relationship dahil tila inililihim ni Charlotte ang detalye ng pagbubuntis niya mula kay Joy.
Ang bagong pag-ibig at ang parating na bundle of joy pa ba ang makakasira sa relasyon ng mag-ina?
Abangan 'yan sa "Mama's Joy," January 22, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






