Mag-pinsan, magtatagisan para sa kayamanan sa 'Regal Studio Presents: Pamana ni Lola'

GMA Logo Regal Studio Presents

Photo Inside Page


Photos

Regal Studio Presents



Isang intense na laban para sa kayamanan ang mapapanood ngayong linggo sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Pinamagatang "Pamana ni Lola," ang episode na ito ay sa mag-pinsan na uuwi nang malaman nilang may stage 3 lung cancer ang kanilang lola.

Pero hindi pala pag-aaalala sa kanilang lola ang rason ng pag-uwi nila. Sa halip, mas interesado sila sa mana na maaaring mapunta sa kanila.

Si Candy gustong makuha ang mana bilang kabayaran sa pagpapalayas ng lola niya sa nanay niya noon.

Si Lolly naman, may malaking personal na problema na maaaring masolusyunan ng malaking halaga ng pera.

Gagawin nina Candy at Lolly ang lahat para maungusan ang isa't isa at makuha ang loob ni Lola Marga.

Kanino mapupunta ang pamana ni Lola?

Abangan ang brand new episode na "Pamana ni Lola," May 21, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.


Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.


Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Rain Matienzo
Casie Banks
Apo
Jem Manicad
Showdown
Heiress
Pamana ni Lola

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft