
Magdadala ng saya si actress and beauty queen Herlene Budol sa weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Isang magandang dilag ang tumatarget ng mga senior citizens para makapangbudol sa "Dugo-Dugo Girl."
Notorious na mambubudol si Junnimae (Herlene Budol). Modus niyang paikutin ang mga mayayamang senior citizens para malimas ang mga ari-arian ng mga ito.
Makaka-jackpot si Junnimae kay Mommy Nova (Sherry Lara), isang mayamang senior citizen na malugod siyang iimbitahin sa kanyang malaking bahay.
Mabubudol ba ni Junnimae si Mommy Nova?
Abangan ang "Dugo-Dugo Girl," November 3, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






