Magic pants, tumutupad ng wishes sa 'Regal Studio Presents: Two Brothers and a Christmas Wish'

Isang special Christmas presentation ang hatid ng brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Two Brothers and a Christmas Wish," tungkol ito sa magkapatid na makakapulot ng isang pares ng mahiwagang pantalon.
Sa kariton nakatira sina Arnold at Joshua. Sa pangangalakal nila ng basura, makakapulot sila ng pantalon na may pera.
Matutukalasan nilang kayang magbigay ng wishes ng pantalon na ito.
Ito na ba ang babago sa kanilang mga buhay?
Huwag palampasin ang brand-new episode at Christmas special na "Two Brothers and a Christmas Wish," December 14, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






