Magkaibigan, may undercover mission para sa pamana sa 'Regal Studio Presents: Revenge Girls'

May undercover mission ang dalawang magkaibigan sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Nakatanggap ng pamana si Junnie Boy (Matt Lozano) mula sa kanyang Mamita. Kaya lang, may bilin siyang maglaan si Junnie Boy ng bahagi ng pamana para kay Gener, ang dating kasintahan ng kanyang yumaong lola.
Hindi sang-ayon si Junnie Boy na i-share ang mana sa taong hindi niya kilala kaya gagawa siya ng paraan para makilala ang pagkatao ni Gener.
Kasama ang kaibigan niyang si Nato (Tommy Alejandrino), mag-a-apply sila bilang lady housekeepers sa bahay ni Gener.
Ano kaya ang matutuklasan ng magkaibigan sa pagkilatis nila dito?
Abangan ang brand new episode na "Revenge Girls," November 5, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






