Magkapatid, hindi magkasundo sa pamana sa 'Regal Studio Presents: Hating Kapatid'

Isang touching family story ang tampok sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Hating Kapatid," tungkol ito sa magkapatid na malayo ang loob sa isa't isa.
Hindi lumaki nang magkasama sina Abigal (Mikee Quintos) at Jun (Allen Ansay) dahil sa paghihiwalay ng kanilang mga magulang.
Nang pumanaw ang kanilang ama, iiwan nito ang furniture shop niya sa magkapatid.
Pero bago nila tuluyang mamana ang furniture shop, kailangan muna nilang kumita ng kalahating milyong piso rito.
Sa tingin ni Jun, hindi ito posible kaya gusto na niyang ibenta ang shop. Gusto naman ni Abigal na mapanatili ang shop sa kanila dahil alaala itong kanilang ama.
Ano ang mapapagdesisyunan nina Abigal at Jun? Magkakasundo ba sila?
Abangan ang brand-new episode na "Hating Kapatid," March 3, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






