Magkaribal na fish vendors, kakikiligan sa 'Regal Studio Presents: Love and Fishes'

Kasing fresh ng bagong huling seafood ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Love and Fishes," tungkol ito sa magkaribal na fish vendors sa palengke.
Magkatabi ang stall nina Marlon (Jon Lucas) at Chel (Sarah Edwards) sa wet market kung saan pareho silang nagtitinda ng isda.
Dahil dito, lagi silang nagkukumpitensiya sa kanilang mga mamimili. Aliw na aliw naman ang kanilang customers dahil may chemistry ang dalawa.
Posible bang mabingwit nina Marlon at Chel ang puso ng isa't isa?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Love and Fishes," January 5, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






