'Magpakailanman': Babae, walang kadala-dala sa pag-ibig

Para sa mahilig sumugal sa pag-ibig ang bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Ang Babaeng 'Di Na Natuto," kuwento ito ni Steph na paulit-ulit ang mga pagkakamali sa pag-ibig.
Tumigil sa pag-aaral si Steph noong siya ay 19 taong gulang dahil sa di inaasahang pagbubuntis. Kinailangan niyang magtrabaho para sa anak na hindi pinanindigan ng kanyang boyfriend.
Muling umibig si Steph pero nauwi rin sa pagkabigo. Ang tanging naiwan sa kanya ay ang apat na anak na mula sa magkakaibang ama na magkakaibang lahi.
Kailan kaya tatamaan ng suwerte si Steph sa pag-ibig?
Abangan ang brand-new episode na "Ang Babaeng 'Di Na Natuto: The Stephanie Parker Story," September 13, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






