It's Showtime
'MagPASKOsikat' kicks off with electrifying rap performance

Nagsimula na nitong Lunes (December 1) ang masayang celebration ng 16th anniversary ng noontime variety show na It's Showtime sa pamamagitan ng “MagPASKOsikat.”
Isang pasabog na opening number ang hatid ng hosts ng programa kasama ang ilang kilalang Pinoy rappers at singers sa kanilang rap performance.
Kabilang sa mga mang-aawit na napanood sa naganap na performance sina Elmo at Arkin Magalona, Marko Rudio, Paul N' Ballin, Aikee, Dice & K9, HI-C, Drey Cruz, at Bert Symoun.
Bukod dito, naglaro ang ilang Solid Showtimers sa “Laro Laro Pick” segment ng programa.
Silipin ang highlights sa unang araw ng “MagPASKOsikat” sa gallery na ito.













