Fast Talk with Boy Abunda
Magtiyuhing Meryll Soriano at Mel Martinez, best friend ang turing sa isa't isa

Bukod sa pagiging magtiyuhin, kilala rin bilang mag-best friends sina Meryll Soriano at Mel Martinez.
Paano naging matalik na magkaibigan ang dalawa?
“Kasi nga, panganay akong apo, and then, siya 'yung bunso sa magkakapatid so kami ýung malapit, kami 'yung unang magkalaro,” paliwanag ni Meryll sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, November 10.Ayon kay Mel, nakatulong din ang eight-year difference ng kanilang mga edad kaya tila magkapatid lang sila ng kanyang pamangkin.
“Siyempre, dahil nga we grew up together, dancing, sa pag-acting, singing, kung saan-saan pa, so du'n na-develop din 'yung pagiging mag-best friend din namin,” sabi ng aktor.
Alamin ang kuwentong mag-best friend at tito nina Meryll at Mel sa gallery na ito:









