Maja Salvador, nagkuwento tungkol sa relasyon ama, sa nalalapit na pagpapakasal, at bagong show na 'Open 24/7'

Sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, May 22, eksklusibong nakapanayam ni Boy Abunda ang versatile actress-host na si Maja Salvador.
Talagang tinutukan ng mga manonood ang kanyang interview kasama ang King of Talk kung saan ibinahagi ni Maja ang kanyang ginawang paghahanda para sa kanyang upcoming sitcom na Open 24/7. Makakasama niya sa nasabing show sina Vic Sotto at Jose Manalo.
Sinagot din ni Maja ang ilang katanungan tungkol sa nalalapit niyang pagpapakasal kay Rambo Nuñez.
Balikan ang naging episode ni Maja sa Fast Talk With Boy Abunda dito:











