Maling tawag, magiging susi sa paghananap ng nawawalang anak sa 'Regal Studio Presents: Wrong Number, Right Family'

Isang heartwarming family drama ang hatid ng brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Wrong Number, Right Family," kuwento ito ng isang misis na hinahanap ang kaniyang anak at ang taong hindi inaasahang tutulong sa kainya.
Magkakamali ng tawag si Edith kay Mark at mapapadpad pa sa bahay nito dahil sa paghahagilap niya sa anak na lumuwas ng Maynila.
Busy si Mark sa trabaho kaya abala sa kaniya ang biglang pagdating ni Edith pero tutulungan niya ito sa paghananap.
Makikita kaya nila ang hinahanap nila?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Wrong Number, Right Family," December 7, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






