Regal Studio Presents

Mana, nakasalalay sa bucket list sa 'Regal Studio Presents: Huling Habilin'

GMA Logo Huling Habilin

Photo Inside Page


Photos

Huling Habilin



Usapang mana ang matutunghayan sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.

Pinamagatang "Huling Habilin," kuwento ito ng isang babaeng hindi pinamanahan ng kaniyang yumaong ina.

Ilang taong walang komunikasyon si Lorraine (Liezel Lopez) sa kaniyang pamilya pero uuwi siya matapos mabigo sa pangarap na maging isang interior designer.

Dito niya malalaman na ipinamana sa adopted brother niyang si Julius (Arkin Lagman) ang lahat ng ari-arian nila.

Makakakuha lang siya ng porsiyento ng mana kapag natapos niya ang bucket list na iniwan ng nanay nila.

Magagawa kaya ni Lorraine lahat ng habilin nito?

Huwag palampasin ang brand-new episode na "Huling Habilin," February 1, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.

Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:


Liezel Lopez
Arkin Lagman
Dreams
Inheritance
Condition
Bucket list
Huling Habilin

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Feb. 20, 2026) | GMA Integrated News
AraBella on GTV | Teaser
Car falls off 600-foot cliff in Cebu, kills foreigner