Manggagamot, hindi mapagaling ang sariling pamilya sa 'Magpakailanman'

Isang natatanging pagganap ang dapat abangan mula kay Bea Alonzo sa real-life drama anthology na Magpakailanman.
Masusubok ang pananalig sa Diyos ng isang babae sa episode na pinamagatang "The Healer Wife."
Nabigyan si Fe ng pambihirang kakayanan na makapagpagaling ng maysakit sa pamamagitan ng pagdadasal.
Pero nang magkasunod na magkasakit ang asawa niyang si Mar at anak na si Elo, hindi niya mapagaling ang mga ito kahit ano pang dasal ang gawin niya.
Tuluyan na bang mawawalan ng pananamapalataya sa Diyos si Fe?
Abangan ang "The Healer Wife," March 28, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






