Manilyn Reynes, Boboy Garovillo, binalikan ang wildest experience nila sa stage

Para sa maraming singers, maraming karanasan ang hindi nila malilimutan - mula sa mga wedding proposals hanggang sa fans na kinakanta ang kanilang hit songs pabalik sa kanila sa isang concert. Kaya naman, nagkuwento rin ang seasoned actors and singers na sina Manilyn Reynes at Boboy Garrovillo ng ilan sa mga wildest experiences nila sa entablado.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang nangyaring wedding proposal sa entablado mismo noong magconcert ang APO Hiking Society members na sina Boboy at Jim sa Sydney, Australia, Pebrero noong nakaraang taon.
Ani Boboy, naabisuhan naman sila ni Jim ng kanilang producer na may magaganap sa kanilang concert. Ngunit aniya, hindi naman sinabi sa kanila kung ano ito.
Habang kinakanta nila ang hit song nilang “Panalangin” ay may dalawang taong biglang tumayo at nagpunta sa stage, “Kasi usually, the crowd sings with us. And then there's this two who just stood up and just ran to the stage. Parang sabi namin, 'Okay, okay, you wanna sing with us?' Tapos 'yun, may proposal siya, nag-propose na sa entablado.”
Alamin kung anong wild experience pa ang naranasan nina Manilyn at Boboy sa gallery na ito:









