Manilyn Reynes, nagsimula ang love story nila ni Aljon Jimenez sa set ng horror movie

Imbis na matakot ay napuno umano ng kilig ang love story ng mag-asawang Manilyn Reynes at Aljon Jimenez. Nangyari ito sa set noon ng Shake, Rattle, and Roll 2 kung saan nagsimula ang kanilang buhay pag-ibig.
Sa pagbisita ni Manilyn sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, December 4, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang nakakatakot na karanasan ng direktor nitong si Peque Gallaga. Nakakita umano ito ng nakakasama nila sa mga eksena pero wala naman sa set.
LINK: https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/fast_talk_with_boy_abunda/
“He was telling us that story also, so sabi ko, siyempre habang nagshu-shoot ka, 'Totoo ba? Asaan siya?' Actually, hindi ko rin talaga maalala pero ikinuwento niya nga 'yun,” sabi ni Manilyn.
Nang tanugnin siya ni Boy kung meron pang ibang nakakatakot na nangyari sa set, sinabi ni Manilyn na may nangyaring mas nakakakilig.
“Hindi nakakatakot, nakakakilig kasi du'n ako na-inlove kay Aljon,” sabi ng aktres.
Alamin ang buong kuwento ni Manilyn sa gallery na ito:









