Marathon runner, masusubukan ang tatag dahil sa kakaibang kundisyon sa 'Magpakailanman'

Inspiring na kuwento ng isang marathon runner ang tampok sa real-life drama anthology na 'Magpakailanman.'
Pinamagatang "A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story," iikot ang kuwento nito sa mga pagsubok na haharapin ni Jirome simula nang magkaroon siya ng kundisyong dystonia.
Ang dystonia ay isang kundisyon na nagiging sanhi ng involuntary muscle spasms sa katawan ng tao.
Isang marathon runner si Jirome kaya malaking dagok ang kundisyong ito para sa kanya. Apektado rin nito ang mga pang-araw araw nagawain niya kaya made-depress si Jirome.
Maipagpapatuloy pa kaya niya ang pinakamamahal niyang sport na marathon running?
Abangan ang kuwentong 'yan sa "A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story," September 27, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






