Marco Masa, Carmelle Collado exit 'Pinoy Big Brother' as last evictees

Inanunsyo na ang naging resulta ng botohan sa nagdaang nominasyon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Labis na nabalot ng emosyon ang Bahay Ni Kuya dahil sa mga nangyari sa pinakahuling eviction sa Pinoy Big Brother House nitong Sabado ng gabi, February 21.
Ang dalawang housemates na balik outside world na ay sina Marco Masa (Sparkle) at Carmelle Collado (Star Magic).
Kasabay nito ang isa pang announcement na tungkol naman sa apat na housemates na mananatili sa iconic house kasama ng iba pang una nang nakakuha ng spot sa Ultimate 8.
Sila ay sina Heath Jornales (Sparkle), Miguel Vergara (Star Magic), Princess Aliyah (Sparkle), at Joaquin Arce (Star Magic).
Samantala, ang unang naging parte ng Ultimate 8 ay sina Caprice Cayetano (Sparkle), Lella Ford (Star Magic), Ashley Sarmiento (Sparkle), at Krystal Mejes (Star Magic).
Ano pa kaya ang susunod na twists at surprises na inihanda ni Big Brother sa edisyong ito?
Patuloy na tumutok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ito ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
TINGNAN ANG COOLEST PHOTOS NI MARCO MASA SA GALLERY NA ITO:









