Mapapanood na sa mga sinehan ang romantic film na Only We Know na pinagbibidahan ng dalawa sa mga pinaka respetadong aktor sa bansa na sina Dingdong Dantes at Charo Santos-Concio.
Dinaluhan ng malalaking artista ang Celebrity Premiere ng Only We Know noong Martes, June 10, sa SM Megamall Cinema 3. Tingnan ang ilang celebrities na nagpakita ng kanilang suporta para sa pelikula sa gallery na ito:
Present si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Celebrity Premiere ng Only We Know, na bagong pelikula ng kaniyang asawa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Kasamang naglakad ni Marian Rivera sa red carpet si Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Magkasamang naglakad sa red carpet ang celebrity couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.
Spotted sa premiere night ng Only We Know ang Sang'gre actress na si Sanya Lopez.
Magkasamang dumating sa Only We Know premiere night ang Sang'gre stars na sina Rhian Ramos at Michelle Dee, na all-out ang support sa kanilang celebrity friend na si Max Collins na kabilang sa cast ng nasabing pelikula.
Spotted din sa red carpet ng Only We Know ang Beauty Empire star na si Kyline Alcantara.
Dumating din sa Only We Know premiere night ang aktres na si Kathryn Bernardo.
All smiles na dumating ang OG Sang'gre na si Iza Calzado sa red carpet ng Only We Know premiere.
Pinuri ni Michael Sager ang pelikula matapos itong mapanood sa premiere night, "What a great film." Nagpakuha rin ang aktor ng larawan kasama si Charo Santos-Concio.
Masayang naglakad sa red carpet at nakipag-selfie sa fans si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Present din sa Only We Know premiere night ang ex-PBB housemates na sina AC Bonifacio at Kira Balinger.