Marian Rivera, Dingdong Dantes kasama sa lead stars ng 10 MMFF movies

Kasama ang Kapuso Royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa listahan ng mga lead stars ng 10 pelikula na ipapalabas para sa nalalapit na 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Bukod sa kanila, may ilan pang mga Kapuso stars ang makakasama rin sa kanikanilang mga pelikula tulad nina Alden Richards, Beauty Gonzalez, at Matteo Guidicelli.
Ang MMFFF ay ang annual film festival na inorganisa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para ipagdiwang ang mga pelikulang Pilipino.
July 2023 nang unang inanunsyo ang unang apat na pelikula na kabilang sa festival at October 17 naman nang ianunsyo ang iba pang mga pelikula.
Ngunit imbis na walong pelkula lang ang ipapalabas ngayong taon gaya ng mga nakaraang taon, ay 10 na pelikula ang kabilang sa 2023 MMFF.
Ayon kay MMFF Chairman of the Selection Committee Jesse Ejercito, tatlo sa mga pelikula na isinumite sa Magic 8 ay nakakuha ng parehong ratings kaya't imbis na i-break ang tie ay naisip nilang ipalabas na lang ang sampung pelikula.
Kilalanin ang lead stars ng 10 MMFF movie entries sa gallery na ito:


















