Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye

GMA Logo Marian Rivera Max Collins Josh Ford
PHOTO COURTESY: Clare Cabudil, Michael Paunlagui

Photo Inside Page


Photos

Marian Rivera Max Collins Josh Ford



It's official!

Muli nang mapapanood ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa isang serye matapos ang apat na taon.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkasama-sama ang star-studded cast ng bagong serye, na pagbibidahan ng batikang aktres, sa naganap na story conference nitong Martes (June 6).

Sa interview ng GMANetwork.com kay Marian, ibinahagi ng aktres na halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik primetime.

“Mixed emotions ako, e kasi after four years magbabalik ako sa primetime. So medyo mangangapa ako sa lahat ng mga gagawin ko rito sa taping,” pagbabahagi niya.

Pagbibidahan nina Marian at Gabby Concepcion kasama si Max Collins ang naturang serye.

Kabilang din sa stellar cast sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray with Marissa Delgado.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago para sa '24 Oras, ibinahagi ni Marian ang kanyang excitement na makatrabaho ang mga dating nakasama at bago niyang makakasama sa serye.

Aniya, “Very excited and then 'yung casting, kaunti lang 'yung nakatrabaho ko before. Siguro dahil sa four years akong hindi nagtrabaho. So ang daming mukha na bago para sa'kin.”

“Looking forward ako na makatrabaho sila,” dagdag pa niya.


Kapuso Primetime Queen
Marian Rivera and Gabby Concepcion
Excitement 
Gabby Concepcion
Max Collins
Gabby Eigenmann
Raphael Landicho
Kiray Celis
Tart Carlos
Caitlyn Stave
Josh  Ford
Gabby and Gabby
Project
Soon on GMA

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3