Marian Rivera, Gabby Concepcion, Raphael Landicho donate copies of 'Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien' to the National Book Development Board's Book Nook project

Dumalo sina My Guardian Alien stars Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael Landicho sa ikalawang araw ng Philippine Book Festival 2024 kamakailan para sa book launch ng Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien.
Ang naturang libro ay tungkol sa magandang pagkakaibigan ng isang bata at isang alien. Tampok din ang librong ito sa family series na My Guardian Alien.
Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, nais daw ng Kapuso Primetime Queen na hikayatin muli ang kabataan sa pagbabasa.
"Nakakatuwa kasi bago talaga magsimula 'yung soap, sinabi talaga nila sa akin na gagawa sila ng libro para sa mga bata, para mayroon mapupulot na aral. Alam natin ngayon, ang mga bata bihira na magbasa. Dahil dito, ine-encourage ulit natin 'yung mga kabataan na magbasa uli ng libro,” aniya.
Nakiisa rin si Marian kasama sina Gabby at Raphael sa Book Nook project ng National Book Development Board at nag-donate sila ng ilang kopya ng libro na mapupunta sa provincial libraries.
SIlipin ang naganap na book launch ng Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien sa gallery na ito.









