Marian Rivera on 'power couple' blind item: 'Jusme... palaging may ganyang chika'

Ipinagkibit-balikat ni Marian Rivera ang mga haka-haka na sila ng asawa niyang si Dingdong Dantes ang tinutukoy ng isang blind item na diumano'y may problema ang relasyon.
Isang blind item kasi ang kumakalat online na nagsasabing may problema sa relasyon ng isang "power couple." Ang problemang ito ay nagsimula diumano sa pagtataksil ng lalaki.
Agad naman iniugnay ng netizens ang Kapuso Primetime King and Queen sa blind item dahil sa salitang "power couple."
Sa online entertainment show na Marites University, ibinahagi ni Rose Garcia ang reaksiyon ni Maria tungkol sa naturang blind item.
Kuwento ni Rose, “Ni-message ko si Yan (Marian). Sabi ko, 'I'm sure aware ka sa blind item kung saan sa comments section kayong dalawa ni Dong ang binabanggit."
Tinawagan daw siya ni Marian para mangamusta at sagutin na rin ang naturang blind item.
“Sabi niya, 'Ate, jusme. Ano ba 'yang mga blind item na 'yan?' Parang sanay na sila kasi parang every year, lalo na raw 'pag January, palaging may ganyang chika,” ani Rose.
Matatandaan na noong December 30 ay ipinagdiwang nina Marian at Dingdong ang kanilang 11th wedding anniversary.
Bago pa nito ay nag-post ng ilang litrato ang mag-asawa kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto nang magdiwang sila ng Pasko at Bagong Taon.
Samantala, balikan ang 10th annivesary celebration nina Dingdong at Marian dito:












































