Marjorie Barretto, sinagot ang mga paratang ng inang si Inday Barretto laban sa kaniya

Patuloy na gumagawa ng ingay ang ginawang panayam ng Barretto matriarch na si Estrella “Inday” Barretto sa entertainment journalist na si Ogie Diaz. Ang latest na reaction dito ay mula mismo sa isa sa mga anak niya, si Marjorie Barretto.
Sa kaniyang personal na Instagram account, sinagot ni Marjorie ang ilan sa mga paratang na sinabi ng kaniyang ina laban sa kaniya. Ayon sa aktres, kaagad siyang tinawagan at nakatanggap ng message mula sa kaniyang mga kakilala pagkatapos lumabas ang interview ng nanay niya dahil sa umano'y “hurtful and untrue things” na sinabi tungkol sa kaniya.
Ikinagulat ni Marjorie na sinasabi ng kaniyang ina na hindi maayos ang pagsasama nila ngayon, gayong magkasama sila sa ospital, lamay, at libing ng kaniyang kapatid na si Mito. “Was I only dreaming that we were talking, hugging, and comforting each other?” saad niya.
Kinuwestiyon din ni Marjorie ang pagdawit sa kanilang mga kamag-anak na wala sa mundo ng showbiz sa isang panibagong eskandalo gayong nagluluksa pa sila sa biglaang pagkamatay ng kanilang kapatid. Tanong ni Marjorie sa kaniyang statement, sinisiraan daw ba siya para muling pabanguhin ang imahe ng kanilang bunsong kapatid?
“Over the years, through all my Instagram posts, you've seen me surrounded by my family. I love my family. My siblings, nephews, nieces, dad, and mom. I always make sure we are all together at my gatherings. In all those photos and videos, have you not seen my mom at our big family events? Was that all just a dream? An illusion of mine?” tanong ni Marjorie.
Pinabulaanan din ni Marjorie ang sinabi ng kaniyang ina na hindi siya iniimbita sa mga salu-salo ni Marjorie dahil nahihiya si Marjorie sa kaniya. Ayon kay Marjorie, ang kaniyang ina mismo ang nagsasabi na huwag mag-upload ng mga pictures na magkasama sila dahil maaaring ikagalit ito ni Gretchen o Claudine.
“Hearing that from my own mother and hearing it repeatedly over the years was deeply hurtful, even as an adult. My children felt that pain for me too,” paglalahad ni Marjorie. “Mom, as God is my witness, you begged me to never fix things with my [two] sisters so you won't be left out.”
Ayon kay Marjorie, 20 years na siyang pinarurusahan ng kaniyang ina kahit wala naman siyang dinadalang problema sa pamilya. Saad niya, “With my mom, if you are not a problematic child, you become the least favorite.”
“This 'Part 2' interview was just as false, unfair, and destructive as my mom's 'Part 1' interview about Raymart. God is all-knowing. God is watching. My mom said I was strong-willed - in a bad way. Mom, I should not be punished and insulted for being strong-willed,” dagdag niya.
Hindi daw binigyan ni Inday Barretto ng choice si Marjorie, na nagsabi na kailangan na niyang magsalita dahil pati ang kaniyang mga anak ay apektado na rin ng hidwaan.
“I fought so hard to get to this point. I had no choice. When the going gets tough for the favored child, I am made to suffer for it. She can do no wrong. The favored child is always the victim; the survivors are the villains,” saad ni Marjorie. “And now I see how my children are suffering from this vicious cycle. I can't be quiet anymore. My silence was no longer giving me peace; it was causing me great pain.”
Sa dulo ng kaniyang statement, sinabi ni Marjorie na mahal pa rin niya ang kaniyang ina at natutunan na niyang tanggapin ano mang uri ng pagmamahal ang kayang ibigay ng kaniyang ina. Sa halip na maghanap ng kalinga at proteksyon mula sa kaniyang ina, sinabi ni Marjorie na ibubuhos niya ang kaniyang oras sa pagiging ina sa kaniyang sariling mga anak.
“Mom, I want you to know that I love you. And I have learned to accept whatever kind of love you can give me. It's okay. In fact, I have surrendered to it. Instead of looking for affection and protection from you, I will pour all my energy into being the best mom to my children. I am not a perfect mom, but they can trust me,” saad niya.
Tinapos ni Marjorie ang kaniyang statement sa pagpapaliwanag na kaya siya naglabas ng statement dahil siya ay “misunderstood”.
“You may ask why do I feel the need to clarify and explain, it's because I am misunderstood. And when someone close to you distorts the truth in a very public way, it creates an ache that my silence cannot hold anymore,” pagtatapos niya.
Basahin ang buong statement ni Marjorie sa baba.
Si Marjorie ang latest na celebrity na umalma sa mga paratang ni Inday Barretto sa kaniyang interview kasama ang entertainment journalist na si Ogie Diaz. Nauna na nag-react si Raymart Santiago sa pamamagitan ng kaniyang mga lawyer na sina Atty. Howard Calleja at Atty. Katrin Jessica Distor-Guinigundo, na tinawag na “untruthful and slanderous” ang mga paratang ni Inday Barretto.
Basahin ang statement ng mga lawyer ni Raymart Santiago na ipinost ni Ogie Diaz sa kaniyang Facebook page.
Nag-post din si Raymart sa kaniyang Instagram upang pabulaanan ang mga paratang ng nakatatandang Barretto.
“Naiintindihan ko na kami ay 'public figures' at inaasahang tatanggpin ang bawat komento at kritisismo. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi naman siguro kalabisan na hilingin ko na ang bawat isa ay umiwas sa pagpapahayag ng mga bagay na maaaring makasakit at makasama sa kapakanan ng bawat isa, lalo na sa aming mga anak at sa kanilang kinabukasan,” sabi ni Raymart.
Related gallery: Time line of the Barretto family feud



























