Mark Bautista, marami pang pangarap bilang music artist

Ngayong 2025 ay ipinagdiriwang ni Mark Bautista ang ika-22 na anibersaryo niya sa entertainment industry. Kaya sa pagtungtong niya sa Fast Talk with Boy Abunda, binalikan ng Premiere Balladeer ang pagsisimula niya bilang isang singer.
Unang nakilala si Mark nang sumali siya sa isang singing competition noong 2003. Ayon sa naturang singer, ito ang kauna-unahan niyang contest dahil sa sobra siyang mahiyain.
“First time kasi mahiyain ako, so na-convince lang ako na sumali ng Star for a Night dahil Regine Velasquez 'yung host. And that time, parang feeling ko, kasi parang 20 na 'ko nun or something, na parang sabi ko, 'Shocks, tumatanda na ako, parang kailangan may gagawin akong something,'” pagbabahagi ni Mark.
Isa pa umanong rason kung bakit niya pinilit makasali sa singing contest ay para sa kaniyang pamilya, lalo na at noong mga panahon na iyon ay walang trabaho ang kaniyang mga magulang.
“Ang motivation ko that time was... dahil walang trabaho 'yung papa ko, wala kaming business, 'yung mama ko, wala rin trabaho, parang nag-stop 'yung mga kapatid ko sa pag-aaral. So, parang isa 'yun sa mga motivation ko, yun yung nag-push sa 'kin,” sabi ni Mark.
Pagkatapos ng 22 taon, kumusta na ba si Mark sa kaniyang karera ngayon?








