Mark Bautista, nangamba nang mawala ang dating Sunday variety show ng GMA

Isa raw sa mga hindi malilimutang panahon ni Mark Bautista sa kanyang showbiz career ang pagtatapos ng dating weekly variety show ng GMA Network, ang Sunday All-Stars.
Naalala ito ni Mark nang tanungin siya ng entertainment media ng mga di niya malilimutan sa kanyang career bilang singer sa ginanap na press conferecence ng kanyang upcoming concert, ang Mark My Dreams, kamakailan.
Kuwento ng Kapuso singer, “Noong natapos yung Sunday show namin, Sunday All-Stars, parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Yun yung lumipad ako ng New York at nag-aral. Kasi nga, parang nataranta ako, 'Shucks, ano ang gagawin ko?'
“Kasi, matagal akong nag-Sunday show, 'tapos, parang first time yun [na nawala]. Continuous kasi yung Sunday show ko and hindi ko alam kung ano ang gagawin kasi nga natapos na lang bigla ang show namin. So, nataranta ako kaya nag-abroad ako at doon nag-aral ako for a few months.”
Naging blessing in disguise naman daw ito para kay Mark dahil nabigyan siya muli ng pagkakataong gumanap sa musical na Here Lies Love nang itanghal ito sa Seattle, USA. Una siyang naging bahagi ng naturang musical sa West End production nito noong 2014.
“Blessing in disguise kasi noong nasa New York ako, nalaman noong director namin sa London, na based sa New York, in-offer sa akin yung Seattle na show noong 2017,” natutuwang sinabi ni Mark.
Dagdag pa niya, dito raw niya na-realize, “Totoo pala yung sinasabi nila na you have to show up for the opportunities minsan.”
Samantala, matapos ang siyam na taon ay muling magkakaroon ng solo concert si Mark sa pamamagitan ng Mark My Dreams. Ang 21st anniversary concert niyang ito ay gaganapin sa The Theater at Solaire sa Parañaque City, sa August 31.
Ayon kay Mark, “Kaya Mark My Dreams kasi ipapakita ko rito yung mga dreams na natupad na, mga dreams ko before na hindi natupad ay maikukuwento ko rin dito, and yung future dreams ko, yung mga bagong dreams ko. Dreaming new dreams, malalaman n'yo rito.”
Umaasa rin si Mark na makapagbigay ng inspirasyon sa mga manonood ng kanyang concert.
“I just want people to be inspired. After watching the show, I think, yun yung basic na gusto kong maiparating sa audience. Kasi, everything started with a dream. Sana ma-inspire sila sa naging journey ko kung mapanood nila--from how I started to now at kung ano yung future na gusto ko pang gawin. Sana ma-inspire sila sa story ko, from my humble beginnings in Cagayan de Oro and paano ko na-survive ang show business in 21 years,” pagtatapos ni Mark.
Samantala, narito ang ilan pang di memorable showbiz events para kay Mark:





