Fast Talk with Boy Abunda
Mark Herras, nilalagpasan ang depression sa sa tulong ng kaniyang pananampalataya

Naging usap-usapan kamakailan lang ang video ng dating StarStruck Ultimate Male Survivor na si Mark Herras. Mapapanood kasi sa naturang video na kumalat na sa ilang social media sites na umiiyak ang aktor, dahilan para magbunga ng iba't ibang espekulasyon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, April 17, inamin ni Mark na dumaan siya sa matinding depresyon. Ngunit nilinaw rin niyang wala itong kinalaman sa pera o trabaho. Sa halip, paraan lamang niya umano ito para mailabas ang nararamdaman.
Alamin ang naging karanasan ni Mark sa kaniyang depresyon sa gallery na ito:









