Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo visit Susan Enriquez's farm in Cavite

Naka-bonding ni Susan Enriquez ang celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo nang bumisita ang mga ito sa kanyang farm sa Indang, Cavite kahapon, June 18.
Kasama ng mag-asawa ang ina ni Matteo na si Glenna Guidicelli at ang kanilang furbabies.
Ayon kay Matteo, sa farm ng kanyang 'San-G' ka-tandem niya natikman ang pinakamasarap na salted egg. Natikman din nina Matteo at Sarah ang ilang fresh produce doon gaya ng avocado.
Biro ni Matteo, tila napunta lahat ng atensyon ni Susan sa maybahay niyang si Sarah, na iniidolo ng batikang journalist.
"Alam n'yo, mga Kapuso, best friends na kami ni Tita Susan. Pero no'ng nando'n na ko, wala nang pakialam sa 'kin. Kay Sarah na lahat, e," pagbubuking ng TV host/actor sa kanyang 'Unang Hirit' co-host.
Ani pa ni Matteo, dapat ay makapag-outing silang lahat ng hosts ng morning show sa farm ni Susan, kung saan din matatagpuan ang private resort nitong Balustre Cerca.
Tingnan ang bonding ng AshMatt sa farm ni Susan Enriquez:







