advertisement
TV

Matthew Mendoza, may niligawan ba sa kanyang naging leading ladies?

1 of 10

Leading ladies

Kilala si Matthew bilang isa sa mga gwapong male lead noong '90s. Kaya naman, hindi na nakapagtataka na marami rin siyang naging memorable na leading ladies

2 of 10

Charlene Gonzalez

Isa sa mga hindi niya malilimutang leading lady ay ang aktres at dating beauty queen na si Charlene Gonzalez. Nagkasama ang dalawang aktor sa tatlong pelikula: ang 'Dyesebel' (1996), 'Ikaw Naman ang Iiyak' (1996), at 'Bridesmaids' (1997).

3 of 10

In his element

Pinaka nasiyahan daw si Matthew sa 'Dyesebel' dahil "in his element" ang aktor dito. "I really love the ocean, mahilig ako sa mga boats and dagat, doon ako lumaki, e. So, when we did 'Dyesebel,' parang sabi ko, 'At home ako dito,'" sabi ng aktor.

advertisement
4 of 10

Dawn Zulueta

Tumatak naman kay Matthew ang pelikula nila ng aktres na si Dawn Zulueta, ang 'Ikaw Naman ang Iiyak,' dahil sa set location nito Cebu. Ani ng aktor, malaking bahagi ng kanilang pelikula ay kinunan doon.

5 of 10

Very professional

Kwento ni Matthew tungkol kay Dawn, "She was always on time, medyo ano talaga siya, strict. 'Pag sinabing take, take, walang take 2, walang take 3. And 'pag sinabing 'Action!' alam na niya kaagad 'yung gagawin niya--very professional at napakahusay."

6 of 10

Sharon Cuneta

Naging memorable din kay Matthew Mendoza ang pakikipagtrabaho kay Megastar Sharon Cuneta.

advertisement
7 of 10

Hindi malilimutan

"Pero to work with Sharon Cuneta, Tita Shawie, '80s Shawie, '90s Shawie, and then isang araw, katrabaho mo siya, parang 'yung feeling na hindi mo alam ang gagawin mo, 'Baka pumalpak ako,' and everything. It was something na hindi mo makakalimutan," pagbabahagi ni Matthew.

8 of 10

Mikee Cojuangco

Ang dating aktres na si Mikee Conuangco ang pinakamadalas namang makasama ni Matthew Mendoza sa TV shows. Sa katunayan, nakakuha pa nga siya ng Most Guested Actor award mula sa aktres na hanggang ngayon ay nasa kaniya pa.

9 of 10

Nanligaw

Sa dami ng kaniyang mga naging leading ladies, inamin ni Matthew na wala siyang niligawan kahit isa. Sa katunayan, wala siyang naging girlfriend na galing sa show business.

advertisement
10 of 10

Close friends

Sa halip, marami umanong naging ka-close si Matthew Mendoza sa industriya, katulad nina Ina Raymundo, Ara Mina, at G Tongi.

Around GMA