advertisement
TV

Mav Gonzales, Matthew Valeña, nagsimula ang relasyon sa isang dating app

1 of 10

Pinagdasal

Aminado si Mav na pinagdasal niya ang kaniyang asawa. "Sinasabi ko, gusto ko attractive to me. Kasi, di ba, bakit naman gugustuhin ng asawa nang hindi ko gusto 'yung hitsura? Siyempre, 'pag nagpe-pray ako, 'Lord, bigay mo po 'yung mabait, 'yung attractive to me, 'yung matalino, funny.'" Ngunit si Matthew, simple lang ang panalangin sa mamahalin, ang makahanap ng tao "that fit with where I was in life."

2 of 10

Lolo's prayer

Pagbabahagi pa ni Mav, naging panalangin din ng lolo ni Matthew para sa aktor na makahanap siya ng Filipina na mamahalin.

3 of 10

Dating app

Kuwento ni Mav, nagkakilala sila ni Matthew sa isang dating app. Dahil pareho silang interesado sa isa't isa, nagkaroon ng pagkakataon na magkausap sila sa app.

advertisement
4 of 10

Due diligence

Paglilinaw ng GMA News reporter, hindi naman siya agad-agad nakipagrelasyon kay Matthew. "Kasi reporter, so kailangan may due diligence ako. Kailangan sure ako na totoong tao 'to, na siya talaga 'yun, so that's actually what I did with him. After we matched, I asked for his social media kasi gusto ko lang tingnan kung totoong tao ba siya."

5 of 10

Six months

May anim na buwan lang simula nu'ng magkakilala sila nang makasal sina Mav at Matthew. Kwento ng aktor, una pa lang ay nag-usap na sila kung anu-ano ang mga plano nila sa buhay. At nang mag-line up ang ilan sa mga iyon, nagdesisyon na siyang mag-propose.

6 of 10

Nothing wrong

Paliwanag ni Matthew, sa halip na maghanap ng taong mache-check ang boxes ng ideal person, mas mabuting maghanap ng tao na wala kang mahahanap na mali. "Try to find somebody who actually has nothing wrong with them. Like, 'You know what? I cannot find something wrong.' And I couldn't find something wrong with her," sabi ni Matthew.

advertisement
7 of 10

Very intentional

Ang pagiging intentional din ni Matthew ang dahilan kung bakit naisip ni Mav na nakita na niya ang the right one sa asawa. Inilahad umano ni Matthew ang mga ayaw at gusto niya sa buhay at ganu'n din siya.

8 of 10

Pareho ng gusto

Dahil pareho ang gusto nilang mangyari sa buhay at handa nang mag-settle down, napapayag na rin si Mav na magpakasal kay Matthew.

9 of 10

Apprehensions

Pag-amin ni Mav, wala problema sa pagitan nila ni Matthew, pero mas marami pang pangamba ang mga tao sa paligid nila. Ang isa, kwento ng GMA News reporter, handang ipa-background check ang aktor sa FBI.

advertisement
10 of 10

New milestone

Ilang buwan matapos ang kasal nila, may bagong milestone sina Mav at Matthew sa kanilang relationship. Ani Mav, "We're expecting our first baby." Hindi man nila ito inaasahan, masaya naman ang dalawa sa pgsisimula ng kanilang pamilya at naghahanda na sila para rito.

Around GMA