Mavy and Cassy Legaspi react to comparisons with Muhlach twins

Nagbigay ng reaksyon ang Legaspi twins na sina Mavy at Cassy sa pagkukumpara sa kanila sa Muhlach twins na sina Andres at Atasha. Sina Mavy at Cassy ay anak nina Zoren at Carmina Legaspi, habang sina Andres at Atasha naman ay anak nina Aga at Charlene Muhlach.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwbes, October 9, inamin ni Mavy na ngayon lang niya narinig ang pagkukumpara sa kanilang mga kambal.
“All I can say with that really is I'm good friends with both of them, so we just laugh about it, I guess,” sabi ni Mavy.
Pagpapatuloy pa ng aktor, abala ang dalawang set ng kambal sa kani-kanilang mga karera ngayon.
“We're so busy doing our own things, I mean, the twins are also doing their own things, right now, and also Cassy and I are doing our own thing now, so the comparison really, if there is, it's really nothing,” sabi ni Mavy.
Dagdag pa ng aktor, “I mean, they have their own identity, we have our own identity.”
Kung malapit na kaibigan ni Mavy ang Muhlach twins, masasabi naman umano ni Cassy na acquaintances niya ang mga ito, lalo na at nakilala lang niya ang dalawa noong nakaraang taon.
“I was excited to meet them, and I think it's cool na they finally entered the industry. I don't know, parang it adds more flavor and more twin representation. More twins, let's go!” sabi ni Cassy.
Samantala, kilalanin ang iba pang celebrity twins sa gallery na ito:








