Mavy Legaspi, Ashley Ortega attend Sinulog Festival

Magkasabay na dumalo sina Kapuso stars Mavy Legaspi at Ashley Ortega sa Sinulog Festival sa Cebu kasama ang ilang kaibigan.
Sa Instagram post ni Mavy, makikita na nagbahagi siya ng ilang litrato at videos habang nakikisaya sa sikat the fiesta. Sa isang litrato, makikita sina Mavy at Ashley na nakatakip ng t-shirt ang ibabang bahagi ng kanilang mga mukha.
Makikita rin sa siang group photo na nakaakbay si Ashley sa aktor. At sa dulo ng carousel ng photos ay isang solo na litrato ni Ashley na naka-post din sa Instagram account ng aktres.
Caption ni Mavy sa kaniyang post, “Pit senyor! Daghang salamat Cebu/Cebuanos! Had a great Sinulog Festival with you guys!”
Samantala, makikita naman sa post ni Ashley ang ilang litrato kasama ang mga kaibigan, kabilang na ang kapwa Sparkle star na si Roxie Smith. Sa isang litrato ng aktres, makikita sina Roxie at Karl Adolfo, at si Mavy na nakaakbay naman kay Ashley.
“Viva Pit Senyor and cheers to my Sinulog heroes! ” Caption ni Ashley sa kaniyang post.
Bali-balita ay nagkakamabutihan daw ang dalawa pero wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa kung sila ba ay magkarelasyon na. Kahit hindi pa nila isinasapubliko kung anuman ang meron sila, marami ang kinikilig sa kanilang social media posts.
Sa comments section ay nag-iwan ng makahulugang mensahe ang kakambal ni Mavy na si Cassy Legaspi na masaya siya para sa dalawa. Isa sa mga hashtags ni Cassy para sa dalawa ay “stay in love.”
“Happy for the both of you @ashleyortega & @mavylegaspi #stayinlove #inspired #enjoylife,” komento ng aktres at TV host.
Samantala, ilang netizens naman ang nag-komento patungkol kina Mavy at Ashley. Katunayan, isang netizen pa ang nagsabi na bagay ang dalawang aktor sa isa't isa.
Sabi pa ng isang netizen, “Beautiful Couple @ashleyortega @mavylegaspi.”
“Ayieeeee…Super Bagay kayo ni @mavylegaspi Gwapo at maganda @ashleyortega.” komento ng isa pa.
Isang netizen naman ang nag-comment ng “OMG sila? Yey!!!! So bagay”
Samantalang ang isa pa ay ginawan na sila ng couple name na AshMav.
TINGNAN ANG PAGDALO AT PAKIKISAYA NG ILANG KAPUSO STARS SA SINULOG FESTIVAL SA GALLERY NA ITO:









