Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Ashley Ortega, at ibang Kapuso stars, ibinahagi kung paano ipagdiriwang ang Father's Day

Ngayong June 18 na ipagdiriwang Father's Day.
Oras na naman para bigyang-pugay ang mga amang walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa kanilang mga anak.
Bilang pakikiisa sa special daw ng mga daddies, may back to back special Father's Day presentations din ang GMA Network.
Sa Sabado, June 17, matutunghayan sa real life drama anthology series na '#MPK o Magpakailanman' ang "My Missing Daughter: The Antonio Cordeta Story."
Tungkol ito sa tatay na nangungulila sa only daughter niyang inilayo sa kanya ng kanyang biyenan at pagbibidahan ito ni Kapuso actor EA Guzman.
Susunod dito sa June 18, ang "Pan de Daddy" mula sa 'Regal Studio Presents.' Kuwento naman ito ng simpleng panadero na malalamangmang may teenage son pala siyang matagal na itinago mula sa kanya.
Lalong naging special ang episode na ito dahil ang real life father and son na sina Niño Muhlach at Sandro Muhlach ang bibida dito.
Samantala, tinanong namin ang ilang Kapuso stars kung paano nila ipagdiriwang ang Father's Day this coming Sunday.
Silipin ang paghahanda nila para sa Father's Day dito:









