advertisement
Celebrity Life

#MayForever: Ma-inspire sa celebrity couples na long-lasting ang samahan

1 of 24

Tito Sotto and Helen Gamboa 

Mapapa-hashtag “sana all” ang lahat kina former Senate president Tito Sotto at veteran actress Helen Gamboa, na mahigit limang dekada nang nagsasama bilang mag-asawa. Noong September 2019, nagkaroon ng renewal of vows para sa kanilang 50th anniversary. May apat silang anak-- ang aktres na si Ciara Sotto, Quezon City vice mayor Gian, MTRCB chairwoman Lala, at si Apples.

2 of 24

Sotto church wedding

Noong January 2023, ipinagdiwang nina Helen at Tito ang kanilang 52nd church wedding anniversary.

3 of 24

Ariel Rivera at Gelli de Belen

Achievement unlocked para sa former 'SiS' host na si Gelli de Belen at OPM icon na si Ariel Rivera nang ipagdiwang nila ang kanilang 25th silver anniversary noong 2022.

advertisement
4 of 24

Secret to their relationship

Sa report ng 'Philippine Daily Inquirer,' ikinuwento ni Ariel ang sikreto ng matagal nilang pagsasama ni Gelli. Kuwento niya, mahalaga ang “respeto” sa kanilang dalawa. Paliwanag niya, “You know what, people always say that at the forefront [of their relationships] is love, love, love. But to each his own. For me, it's respect. You respect each other's views, you respect each other's ways. From there, love comes. That's it… There are a lot of factors, but for me and Gelli, that's the root--respect."

5 of 24

Manilyn Reynes and Aljon Jimenez 

Kung si Elsa Manaloto may Pepito, mero'n naman Aljon Jimenez ang 'Pepito Manaloto' actress na si Manilyn Reynes sa tunay na buhay. Going strong pa rin ang dalawa na ikinasal taong 1996.

6 of 24

Kilig

amdam pa rin ang kilig sa dalawa, lalo na panay ang pagpo-pose ni Miss Manilyn ng ilan sa kanilang sweet throwback photos sa Instagram.

advertisement
7 of 24

Dawn Zulueta and Anton Lagdameo

Out-of-the-country ang kasal ng actress na si Dawn Zulueta sa kaniyang mister, ang special assistant to President Bongbong Marcos na si Anton Lagdameo. Ikinasal ang dalawa sa Church of the Blessed Sacrament sa New York noong December 27, 1997.

8 of 24

Silver wedding anniversary 

Noong December 2022, isang nakakakilig na mensahe ang i-pinost ni Dawn sa Instagram para sa kanilang silver wedding anniversary ni Anton. Sabi niya, “ After 25 years with you, I can confidently say, loving you is the best thing that ever happened in my life.”

9 of 24

Christopher de Leon and Sandy Andolong

Saludo rin ang marami nilang katrabaho sa show business sa tatag ng pagsasama ng multi-awarded actor na si Christopher de Leon at 'First Lady' star na si Sandy Andolong, na ipinagdiwang ang kanilang 42nd wedding anniversary noong April 2022.

Bago naging misis ni Boyet si Sandy, na-annull na ang kasal niya kay Superstar Nora Aunor.

advertisement
10 of 24

 Four decades of marriage

Isang mataimtim na dasal ang ibinahagi online ni Sandy para i-celebrate ang 42nd wedding anniversary nila ni Christopher. Pasasalamat niya, "Heavenly Father, we praise and thank You for the privilege and gift of marriage and for the joy that comes from sharing our life together."

11 of 24

Richard Gomez and Lucy Torres

Maituturing na "wedding of the year" ang naging kasal nina Richard Gomez at Lucy Torres sa St. Peter and Paul Parish Church sa Ormoc City noong April 28, 1998. Dati nang umamin si Lucy, na kasalukuyang tumatayong Mayor ng Ormoc City, na “crush” niya si Richard na isang matinee idol.


12 of 24

Gomez couple

Ngayon taon, ipagdiriwang nila nina Richard at Lucy ang kanilang 25th wedding anniversary. May isang supling ang dalawa, si Juliana.

advertisement
13 of 24

Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado

Making sweet music together! 'Yan ang mantra nina Phenomenal Diva Jessa Zaragoza at former Siquijor vice governor Dingdong Avanzado, na ipinagdiwang ang kanilang 20th wedding anniversary noong March 2021. Bukod sa matibay na pagsasama, biniyayaan din ang dalawa ng isang babaeng anak na si Jayda na sumunod na rin sa yapak ng magulang at pinasok ang show business.

14 of 24

Avanzado couple

Tagos sa puso ang mensahe ni Dingdong sa kaniyang misis na si Jessa sa kanilang 20th anniversary. Sa kanyang social media post, tinawag niyang “my one and only” si Jessa. Patuloy pa niya, “Swinging through the years. This video reminds me of our journey in life together. As we move from one chapter of our lives to the next, I could not have chosen a better partner to swing with. May we continue to endure the challenges that life throws at us. With you by my side and with our Lord guiding us, we can conquer anything. Here's to another 20 years and beyond. Happy anniversary my one and only.”

15 of 24

Kim and Felicia Atienza

Kung trivia tungkol sa tatag ng kasal ang pag-uusapan, pasok diyan ang 'Dapat Alam Mo!' host na si Kuya Kim Atienza, na madly in love pa rin sa kaniyang misis na si Felicia sa mahigit na 20 years. Base sa mga ulat noong 2022, dalawang beses na ikinasal sina Kim at Felicia--una ay sa San Agustin Church sa Intramuros at ang sumunod ay sa Holy Family Parish ng San Andres district.

advertisement
16 of 24

Atienza couple

Espesyal ang ginawang pagbati ni Kuya Kim sa kaniyang misis na si Felicia nang ipagdiwang nila ang kanilang 20th anniversary noong March 2022 dahil proud nilang ipinakita ang kanilang fit bodies.

Hirit ng award-winning host, “I ABSolutely love you”, pagpapatuloy niya, “I may be ABSentminded to forget but be assured that the love you give me I ABSorb in the deepest ABScesses of my beating heart. I shall never be ABSent though I am often ABSurd my love! I LOVE YOU AND HAPPY 20TH my dear wife Felicia with the 8 pack ABS.”

17 of 24

Sylvia Sanchez and Art Atayde

Taong 2004 nagpakasal ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez at si Art Atayde pero magkakilala na sila mula noon pang 1989.

18 of 24

20th Wedding Anniversary

Taong 2025 nang ipagdiwang ni Slyvia at Art ang kanilang 20th wedding anniversary. Sulat ni Slyvia sa kanyang post sa Instagram, "On to the next chapter of our lives as grandparents. Wag mo masyadong ispoil (hoping ako)."

advertisement
19 of 24

Gladys Reyes and Christopher Roxas

Simula 1993, magkasama na sa buhay sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Taong 2004 nang magpakasal ang dalawa.

20 of 24

21 years

Nang ipagdiwang nila ang kanilang 20th wedding anniversary, tinawag ni Gladys si Christopher na "my first, my last, my lifetime."

21 of 24

Dimples Romana and Boyet Ahmee

Mahigit dalawang dekada nang kasal ang aktres at host na si Dimples Romana kay Boyet Ahmee.

advertisement
22 of 24

22 years

"Rainy days, sunny ones, grateful to you always, Ta for giving me my strength and roots," sulat ni Dimples sa Instagram nang ipagdiwang nila ng asawa niyang si Boyet Ahmee ang kanilang ika-20 anibersaryo noong 2023.

23 of 24

Ina Raymundo and Brian Poturnak

Edad 24 years old lamang si Ina Raymundo nang makilala niya ang ngayon ay asawa na si Brian Poturnak. Matapos ang dalawang taon, nagpakasal ang dalawa sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati City.

24 of 24

22 years

"Twenty-two years ago, I married my prince charming -- the man of my (day)dreams. We were destined to have a big, love family," sulat ni Ina sa kanyang Instagram noong ika-22 anibersaryo nila ni Brian.

advertisement

Around GMA