Meet Batangueña TikTok star Queenay Mercado

Patok sa TikTok ang pretty girl na si Queenay Mercado (or Queenee Pearl Mercado in real life) na taga San Jose, Batangas.
Kinaaliwan ng mga netizen ang punto niyang Batangueña at sa katunayan umabot na sa mahigit 14 million ang followers ni Queenay sa TikTok.
Bukod sa pagiging social media sensation, pinasok na rin ng dalaga ang mundo ng showbiz at napanood sa ilang shows ng GMA-7.
Mapapanood din si Queenay sa movie na 'Slay Zone' na pagtatambalan ng dalawang dekalibreng aktres na sina Glaiza De Castro at Pokwang!
Higit na kilalanin ang Batangueña beauty na si Queenay DITO!










