Meet Bethany Talbot, the student-athlete who defended herself against 'Burgis na nasa UP' comment

GMA Logo Bethany Talbot

Photo Inside Page


Photos

Bethany Talbot



Agad na umani ng milyon-milyong views ang naging pahayag ng model at UP student-athlete na si Bethany Talbot sa TikTok matapos niyang depensahan ang sarili mula sa isang user na nagkomento na isa siyang "burgis na nasa UP."

Noong Martes, September 10, sa isang 2-minute video ipinarating ni Bethany ang personal na saloobin at kalungkutan na kailangan niyang depensahan ang sarili sa mga komentong nagsasabing isa siyang "burgis" at kinukuwestiyon kung bakit nag-aaral siya sa isang state university.

"I find it quite sad that I'm having to defend myself as to why I deserve to study in UP," sabi ni Bethany. "But, I wanted to address the comments claiming that I am 'bourgeoisie.'"

Ang slang word na "burgis" ay mula sa French word na "bourgeoisie," na tumutukoy sa mga nasa middle class at upper class.

Sa pahayag, pinatotohanan ni Bethany na nagmula siya sa isang "middle class family" at nakapag-aral sa private schools hanggang high school, pero, aniya, hindi ibig sabihin nito ay hindi na nakararanas ng problemang pinansyal ang kanyang pamilya.

Ayon kay Bethany, isang retired senior citizen ang kanyang ama habang nagtatrabaho naman sa abroad ang kanyang ina para masuportahan silang lahat.

"Sana nga talaga burgis kami para hindi kailangang magtrabaho abroad 'yung nanay ko."

Ipinaliwanag din ni Bethany na bagamat nakapasa siya sa UP College Admission Test (UPCAT) ay nakapasok siya sa UP Diliman bilang isang athlete--football player. Dagdag niya, wala rin siyang nakuhang slot sa regular students dahil isa siyang atleta.

"But can I just say kahit regular student ako, hindi pa rin afford ng parents ko ang tuition ng mga pribadong unibersidad kagaya ng Ateneo o La Salle, but that's besides the point."

Pagpapatuloy ni Bethany sa mga nagsasabi sa kanyang profile at videos na "proof" umano ng "bourgeoisie" niyang pamumuhay, aniya, ito ay dahil sa kanyang trabaho.

"I am a working student who started working when I was already studying in UP. Lahat po ng binibili ko, ng nagagawa ko, dahil 'yun sa trabaho ko, and I am so beyond lucky that I am able to have this line of work. Self-sustaining student po ako, and tumutulong din po ako sa pamilya ko sa kaya ko.

"Hinding-hindi ko po sinasabi na mahirap kami. Nor am I trying to deny my privileges. The point I want to make is to not leave comments like this without even knowing who or what you're talking about."

Dagdag pa ni Bethany, bukod sa "burgis" comment ay mayroon ding nagkomento na "proud na proud pa talaga siya."

Sagot dito ni Bethany, "Yes, actually. Sobrang proud ko sa sarili ko and sa lahat ng achievements ko, and sa lahat ng nagagawa ko para sa family ko. I have worked so hard all my life as a student and an athlete...

"Naiintindihan ko po na hindi kayo sang-ayon sa mga mayayamang pamilya na pumili ng UP, pero sana naman hindi kayo mang-atake ng random na estudyante tulad ko na hindi n'yo naman alam kung bakit ako nag-aral sa UP and hindi n'yo rin naman ako kilala," sabi ni Bethany.

Mas kilalanin si Bethany Talbot sa gallery na ito:


Bethany Talbot
Member of the Professional Models Association of the Philippines 
Modeling
TikTok
Hosting
Endorser
Height
Magazine
Bacolod
Schools
Football

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025