Meet Gueco twins Vito and Kiel, the Mantuk and Tukman of 'Sang'gre'

Isa sa promising social media stars na napapanood na rin ngayon sa TV ay ang Gueco twins na sina Vito at Kiel Gueco.
Nagsimulang sumikat ang dalawa dahil sa kanilang nakaaaliw na TikTok dance videos habang naglalaro ng basketball.
Matagumpay naman ang naging transition ng dalawa mula sa social media patawid ng mainstream media dahil sa kanilang sunod-sunod na TV guestings na naging daan upang lalo silang makilala.
Noong June 2023, nag-debut sina Vito at Kiel bilang mga aktor sa Luv Is series ng GMA na Love At First Read.
Ngayon, kabilang sina Vito at Kiel sa cast ng Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan mapapanood sila bilang ang nakatutuwang kambal na sina Mantuk at Tukman.
Mas kilalanin pa ang Gueco twins na sina Vito at Kiel sa gallery na ito:
















